Plastik Mo’y Gagawing Pera ni Aling Tindera

Plastik Mo'y Gagawing Pera ni Aling Tindera

Hunyo 7, 2023

INANDAN PRINCE BAILON

Mayor Leovy Morpe and his Wife together with the Vice Mayor Tany Zara and some SB

Kuhang larawan habang isinasagawa ang Vaccination Drive for Anti Pneumonia.

Litrato Kuha ni Ryan Ayon

Sa pangunguna ng Rural Health Unit ng Rosario, Batangas ay nasimulan ang Vaccination Drive na isinagawa sa ikatlong araw ng Weeklong Founding Anniversary, Hunyo 07, 2023, sa Don Antonino Luansing Plaza, Poblacion B, Rosario, Batangas.

Layon ng programa na makapagbigay ng libreng bakuna kontra pneumonia para sa mga mamamayan ng Rosario. Una nang nabakunahan ang mga opisyales ng bayan, Barangay Health Workers (BHW) at ilan pang mga frontliners.

Kuhang larawan habang isinasagawa ang Vaccination Drive for Anti Pneumonia.

Litrato kuha ni Ryan Ayon

Pandemya ang ang nagmulat sa mata ng mga mamamayan sa usapang kalusugan kaya naman isa ang programang ito sa nagbigay daan upang masigurong ligtas ang kanilang kalusugan. Libre ang nasabing vaccination drive kung saan ang magandang porsyento ng 1,000 bakuna ay binuksan sa lahat ng 48 barangay.