Sa 336th Foundation ng Rosario,
Hindi lang Buhay ng Mamamayan ang
ANGAT pati si BANTAY SIKAT
Hunyo 6, 2023
SIMBAHAN BEVERLYN

Tampok nga ang Rosario sa kanilang isang linggong selebrasyon ng anibersayo ng pagkakatatag bilang bayan. Ang buong programa ay umikot sa temang “Serbisyong Angat at Tapat, Maigeng Buhay Para sa Lahat” kaya’t kapansin-pansin na hindi lamang ang Rosarian ang nabigyang pansin at serbisyo bumida rin ang mga alagang aso. Sinimulan ang pangalawang araw ng pagdiriwang sa pagdadaos ng isang Dog show contest, na nagbigay aliw at nagpakitang gilas sa mga hurado at manunuod na ginanap sa Luansing Plaza. Ang nasabing patimpalak ay nilahukan ng ibat-ibang uri ng alagang aso at agaw-pansin nga rito ang isang kategorya kung saan bida ang asong pinoy. Ayon kay Dra. Cherry Asi ng Municipal Veterinary Office ang aktibidad ay isinagawa para maiparating sa mga pet lovers na hindi lamang para sa mga tao ang selebrasyon ngunit para rin sa mga alagang hayop.

Larawan ng mga alagang aso na nakilahok sa ginanap na Dog Show-Fun Match Competition.
Litratong kuha ni Ryan Ayong.
Dagdag pa niya ang programa din ay naging daan para maisulong ng kanilang departamento ang wastong pag-aalaga ng mga hayop pati na rin ang kampanya laban sa rabies. Malaki din ang pasasalamat ng Municipal Veterinary Office sa mga nagbigay tulong mula sa mga iba’t-ibang kumpanya at provincial veterinarian staff para maisakatuparan at matagumpay na pagdadaos ng aktibidad.





