Social Local Pension, Matagumpay na Naipamahagi sa 48 Barangay ng Rosario

Social Local Pension, Matagumpay na Naipamahagi sa 48 Barangay ng Rosario

Hunyo 7, 2023

INANDAN PRINCE BAILON

Larawan ni Mayor Leovy Morpe kasama ang ilan sa mga Senior Citizen na makakatanggap ng Pension

Larawan kuha ni Blessie Magsombol

May kabuuang 6,352 na local pensionnaire ang napaunlakan ng Social Local Pension matapos itong mailunsad noong nakaraang Hunyo 06, 2023 sa Rosario, Batangas. Ang pamamahagi ay pinangunahan ni Hon. Leovy K. Morpe- Rosario Municipal Mayor.

Sa tulong ng Municipal Social Welfare Development (MSWD), Sangguniang Bayan, at Municipal Treasurer’s Office, at ilang mga kawani ng bawat barangay ay taos-pusong naipaabot sa bawat social local pensionnaire ang pensyon na nagkakahalagang isang libong piso.

 

Larawan ni Mayor Leovy Morpe kasama ang ilan sa mga Senior Citizen na makakatanggap ng Pension

Larawan kuha ni Blessie Magsombol

Layon ng programang ito na mabigyan ng tulong ang mga senior citizens na walang anumang natatanggap na pensyon sa mga ahensya ng gobyerno ng sa gayon ay maging pantay ang pamamahagi ng pensyon.

Limang barangay ang unang naabutan ng tulong ng mailunsad ang programa. Nang maisaayos naman ang isekdyul ay minarapat nang pamunuan na hikapin ang mga barangay na hindi pa naabutan ng pensyon at nakompleto naman ang pamamahagi sa lahat ng 48 barangay nito lamang Hulyo 8, 2023.

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *