Kwentong Rosario Tampok sa Photography and Video Making Contest
Hunyo 5, 2023
SIMBAHAN BEVERLYN

Kuhang larawan ni Dania alberto na nagpanalo sa kaniya sa Photography-Making Contest.
Bidyo at litrato ang naging instrumento ng mga kalahok upang maipamalas ang kanilang galing sa pagkukwento ng kasaysayan ng Rosario sa pagdiriwang ng 336th Founding Anniversary ng bayan.Inilunsad ng pamahalaang bayan ng Rosario ang photography at video making contest sa pangunguna ni Mayor Leovy Morpe katuwang ang mga foundation committee ng nasabing patimpalak na sina Hon. Edward B. Aguilar at Mr. Ghio M. Reyes. Bago pa man maganap ang nasabing selebrasyon ay binigyan ang mga kalahok ng panahon at oras para likhain ang kanilang obra. At noong ika-5 ng Hunyo, ang unang araw ng pagdiriwang ay naganap ang paggagawad ng parangal sa mga nagwaging kalahok. Sa limang kalahok na nakiisa sa photography contest nasungkit ni Dania Alberto ang kampeonato samantalang sa apat na nagbahagi ng kanilang talento sa pag gawa ng bidyo ay hinirang na kampeon si Janscen Amada. Dahil sa matagumpay na unang araw ng selebrasyon inaasahan ng mamamayan ang mas aktibo at makulay na selebrasyon sa mga susunod na taon.



