Dangal ng Rosario Iginawad sa Huwarang
Mamamayang Rosarian

Hunyo 8, 2023

SIMBAHAN BEVERLYN

Ang sampung personalidad ginawaran ng natatanging parangal sa ginanap na Dangal ng Rosario. 

Litrato kuha ni Ryan Ayong

 

Sa pagdaraos ng tatlong daan at tatlumpu’t anim na taon na pagkakatatag ng bayan ng Rosario ay kasabay din ang kauna-unahang pagbibigay parangal para sa mga natatanging mamamayan ng munisipalidad.

Ang parangal ay naisagawa sa inisyatibo ni Congresswoman Lianda Bolilia at ng kanyang asawa Mr. Caloy Bolilia at sa pangunguna ng mga pinuno ng bayan at mga kinatawan nito. Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga napiling parangalan at pamilya nito, mga opisyales at maging ang mga LGU na ginanap sa Rosario Cultural and Sport Center noong ika-8 ng Hunyo.

Layunin ng Dangal ng Rosario na mabigyang pakilala ang sinumang residente, indibidwal man o grupo na nag-iwan ng kakaiba at malaking marka sa buhay ng maraming mamamayan.

Larawan sa naganap na Dangal  ng Rosario kasama sina Congresswoman Lianda Bolilia, Hon. Mayor Leovy K. Morpe, mayora Elizabeth Morpe at ang Sangguniang Bayan.
Larawan kuha ni Ryan Ayong 

Ang parangal ay nahahati sa dalawang kategorya kung saan sa indibidwal na kategorya pinili ang bawat isang residente na natatangi sa larangan ng edukasyon, militar, medisina, entreprenyur, isports, sining, legal at maging ang person with disability na natatangi ay kabilang din sa kategorya. Samantalang sa pangkatang kategoryang ay bida ang mga outstanding non-government organization na ipinarangal sa World Vision at outstanding enterprise na iginawad sa Tan Wa Nam Restaurant.

“Ayon pa kay Ms. Russel P. Masalunga ng Municipal Library ang parangal ay para sa natatanging indibidwal na ang kanilang gawain ay nakatulong upang mabago ang buhay ng isang Rosarian.”

Dagdag pa niya ” Ito yung mga mamamayan na nagpupursige upang buhay ng kapwa ay mapaige.”