LGU Rosario at Celebrity All Stars
Nagpakitang Gilas sa Basketball Exhibition Games

Hunyo 6, 2023

 

Simbahan, Beverlyn

Koponan ng Serbis Pa More at Celebrity All Star kasama sina Cong. Lianda Bolilia, Bokal Jesse De Veyra at Foundation Chairperson Committee sa naganap na Basketball Exhibition Game.

Larawan kuha ni Ryan Ayong

Sa ginanap na Basketball Exhibition Game na kabilang sa pagdiriwang 336th Founding Anniversary ng Rosario noong Hunyo 7, 2023 sa Rosario Cultural and Sports Center bumida at nagpamalas ng galing ang LGU Rosario kontra sa Celebrity All Star.

Ang koponan na humamon ay binubuo ng LGU Rosario sa pangunguna ng Punong bayan na si Mayor Leovy K. Morpe, Vice Mayor Atanacio Zara at mga konsehal ng sangguniang bayan.

Mga artistang naimbitahan para sa Basketball Exhibition games (left to right) Mark Herras, Joseph Bitangcol, Matt Evans, Joko Diaz, Joross Gamboa, Luis Alandy,

Gab Lagman, Onyok Velasco, Jason Abalos, JC Tiuseco nagtipon para sa pagkuha ng larawan.

Larawan kuha ni Ryan Ayong

Tampok nga sa palarong ito ang ilang artista na tumanggap ng hamon para magpamalas ng kanilang galing at maghatid ng saya sa mga mamamayan kabilang na nga sa mga inanyayahan na makilahok sa palaro ay sina Jason Abalos, Luis Alandy, Joseph Bitangcol, Joko Diaz, Matt Evans, Joross Gamboa, Mark Herras, Gab Lagman, JC Tiuseco at Onyok Velasco.  Sa umpisa pa lamang ng laban ay marami na ang natuwa sa mga maaksyon at ka aliw-aliw na eksena sa palaro. Bigo mang nasungkit ng koponan ng LGU Rosario ang pagkapanalo ay naibigay nila ang kanilang layunin na makapag hatid ng saya sa mamamayan ng Rosario.