Mga Relihiyosong Sector sa Rosario Nagkaisa sa Isang Praise and Worship Night

Hunyo 5, 2023

INANDAN PRINCE BAILON

“Mga nagsimba at nanalangin noong Hunyo 05, 2023 sa Praise and Worship Night.

Litrato kuha ni Ryan Ayong

Bilang parte ng pinakahihintay na kapistahan ng bayan ng Rosario ay isinagawa ang taunang pagsamba. Sa unang araw ng weeklong celebration ay minabuti ng pamunuan na maisagawa ang Praise and Worship Night sa Rosario Cultural and Sports Center.

Ang programa ng pagsamba ay pinangunahan ni Ms. Elizabeth Morpe at Ms. Sonia Triviñio. Nagsimula ang programa sa pagtitipon-tipon ng mga nais lumahok sa pagsamba. Matapos ito ay ang pag-awit nila ang Pambansang Awit ng Pilipinas na sinundan naman ng ilang worship songs. Si Pastor Fortunato “Ito” Inandan III ang nagbahagi ng salita ng Diyos. Pagkatapos nito ay binigyang pagkilala naman ng mga aktibong simbahan at mga relihiyosong sektor kasama ang mga Senior Pastors nito.

“Ilang personalidad na nagsimba at nanalangin noong Hunyo 05, 2023 sa Praise and Worship Night.”

Litrato kuha ni Ryan Ayong

Nagkaroon din ng Worship Concert bago pa man magbigay ng inspirational message si Hon. Leovigildo Morpe-Rosario Municipal Mayor. Sumunod dito ang Dedication Prayer for Foundation Celebration Prayer for Rosario and Beyond na pinangasiwaan nina Pastor Mario Maderazo, Pastor Rudy Milanay at Pastor Peter Javier. Praise and Worship Night Program ay natapos nang magbigay si Pastor Peter Javier ng closing and benediction.