Kasalang Bayan ng Rosario Nagtala ng
Pinakamarami sa Kasaysayan

Hunyo 8, 2023

VILLANUEVA CHLOE

Litrato ng Isa sa Isang Daang mag kasintahan na nagpakasal sa Mass Wedding.

Larawan kuha ni Ryan Ayang

Ang kasal ay isang simbolo kung saan mas mapapatatag nito ang pagsasama ng dalawang mag kasintahan. Nabibigyang basbas ang kanilang relasyon sa harap man ng altar o kasalang sibil. Ang kasalang sibil ay pinapangunahan ng gobyerno kung saan ang punong bayan ang nagkakasal sa mga ito. Kasama nito ang pagkakaroon ng mga kasunduan, legal na papel, benepisyo at legal na proteksyon para sa mga ikinasal. Isa rin itong malaking tulong para sa mga gustong magpakasal ngunit hindi kaya ang gastusin pagdating sa mga Church Wedding.

Pagkain ng Sinukmani ng mga ikinasal sa Mass Wedding bilang isa sa mga tradisyon sa tuwing may kinakasal.

Larawan kuha ni Ryan Ayong

Nito lamang Hunyo 8 taong 2023 kasabay ng pagdiriwang sa ika ng bayan ng Rosario, Idinaos din ang kasalang bayan. Ngayong taon ang masasabing may pinakamalaking bilang ng nagpalista sa programang kung saan umabot ito sa 100 na magkasintahan. Halos taon-taon naman na ginagawa ang programa ngunit mas naging espesyal ito dahil sa dami ng mga naantig na magpakasal. Dagdag pa dito, ang lahat ng barangay ay mayroong mga magkasintahan na nakilahok sa nasabing libreng kasal.

Hindi kailangang magarbo o palakihan ng gastos para sa isang matagumpay na kasal, sapat na ang pagmamahalan, tiwala, at pagiging responsable sa kani-kanilang mga kapareha, at tapat na paggawa sa kani-kanilang tungkulin bilang mag asawa. 

Gaya ng sinabi ni Pastor Fortunato “Ito” Inandan III, “Gusto kong malaman n’yo hindi pagmamahal lamang ang rason kung bakit kayo naririto, kayo ay nagpapasya na kayo na hanggang dulo…”