Street Dance Competition, Nagbalik Makalipas
ang Ilang Taon
Hunyo 9, 2023
VILLANUEVA CHLOE
Baybayin Integrated National High School ang nakakuha ng panalo sa Street Dance Competition 2023
Larawan kuha ni Ryan Ayong
Matapos ang ilang taong pag kakakulong sa pandemya, muling nagbabalik ang mas masaya, mas makulay na Sinukmani Festival bilang parte ng ng bayan ng Rosario, Batangas kung saan ginanap ang street dance competition noong ika-9 ng Hunyo taong 2023. Hindi nagpahuli ang limang grupo mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa bayan.
Baybayin Integrated National High School ang nakakuha ng panalo sa Street Dance Competition 2023
Larawan kuha ni Ryan Ayong
Talaga namang nagpakitang gilas ang mga mag-aaral mula sa Baybayin Integrated National High School, Itlugan Integrated National High School, Alupay Integrated National High School, Rosario Integrated National High School, at Rosario Technical High School kung saan ipinamalas nila ang kanilang angking galing sa pagsayaw, at pagiging malikhain sa mga konsepto na ginamit. Ipinakita sa pagsasayaw ang pagpupursige na meron ang isang magsasaka bilang kilala tayo bilang isa tayo sa mga “Rice Granaries of Batangas.”
Dinagsa ito ng mga manonood sa harap ng munisipyo kung saan dito ginanap ang Ang street dance competition. Ito ay isinagawa para ipakita ang magandang samahan ng mga Rosarian, ipinapahiwatig din dito ang pagpapasalamat sa maganda at mayabong na ani na meron ang mga magsasaka sa bayan.
Sa huli nakamit ng Baybayin Integrated National High School ang kampeonato.