Pagpapakasal at Tree Planting Pinag-ugnay
ng Bagong Ordinansa

Hunyo 7, 2023

VILLANUEVA CHLOE

Pagpirma sa bagong Municipal Ordinance no. 735 Series of 2023 kasama ang mga Sangguniang Bayan gaya nina 

(Kaliwa Pakanan) Hon. Edward Aguilar, Hon. Marciano Aquino, Hon. Joaz De Veyra, Vice Mayor Tany Zara, Mayor Leovy Morpe,

 Hon. Jose Galicha, Hon. Albino Altura, at Hon. Darius Aguado.

Larawan kuha ni Ryan Ayong

 

Bahagi ng selebrasyon ng 336th Founding Anniversary ay ang Mass Wedding kaya naman naisipan ng may bahay ni Mayor Leovy Morpe na si Ms. Elizabeth Morpe- Foundation Committee Chairperson na mas bigyang kabuluhan ang Mass Wedding.


Hunyo 7, 2023 ginanap ang Let love Grow: Tree Planting Activity sa Slaughter House, Bagong Pook, Rosario, Batangas. Ang bawat mag kasintahan ay mabibigyan ng tig-isang native tree mula sa munisipyo. Maari nila itong itanim sa kanilang bakuran, lugar sa kanilang barangay, o di kaya naman ay sa itinakdang lugar ng LGU.

Pagtatanim ng Native Tree ng mga Mag Kasintahan kasama sina

 (Kaliwa Pakanan) Hon. Albino Altura, Hon. Jose Galicha, Ms. Elizabeth Morpe, Mayor Leovy Morpe, at Hon. Darius Aguado.

Larawan kuha ni Ryan Ayong

 

Ginanap din sa araw na iyon ang Reading of Title of the New Ordinance, pinangunahan ito ni Hon. Marciano S. Aquino– Sangguniang Bayan Member. Kasunod nito ang Signing of the New Municipal Ordinance No. 735, Series of 2023 “An ordinance enjoining all couples intending to marry to plant at least one tree at a designated place in the Municipality of Rosario, Province of Batangas.”

Sa pagtatanim ng puno hindi lamang kalikasan ang nais nitong palaguin, maaari rin itong maging simbolo ng kanilang simula bilang isang mag asawa. Inaasahan na ang proyektong ito ay mag-tutuloy tuloy sa tulong ng ordinansa, pamunuan, at mga kawani nito.

Pagtitipon ng Isang daang Magkasintahan para sa Let love Grow: Tree Planting Activity

 

Larawan kuha ni Ryan Ayong