Unang Local Pension sa Rosario Inihandog sa mga Senior Citizens

Hunyo 6, 2023

 

VILLANUEVA CHLOE

Larawan ng 271 Senior Citizen na nag sidalo sa bagong proyekto ng Munisipyo, ang Senior Citizen’s Local Pension Payout.

Larawan kuha ni Ryan Ayong 

 

Naglunsad ang munisipyo ng pensyon para sa mga senior citizen. Ito ay para maghatid ng kaunting tulong para sa ating mga senior citizen ng bayan. Prayoridad ng programa ang mga matatandang walang pensyon na natatanggap mula sa ibang ahensya, ito ay para mabigyang tyansa ang ibang mga senior citizen na nag-aasam din ng tulong pinansyal mula sa ating gobyerno.

Litrato kasama sina Mayor Leovy Morpe, OSCA Head Ms. Nena Clet, at ilan sa mga Sangguniang Bayan gaya 

nina Hon. Joaz De Veyra, at Hon. Jose Galicha kasama ang ilan sa mga Pensionnaire.

 Larawan kuha ni Ryan Ayong

Sinimulan ang Senior Citizen’s Local Pension Payout noong ika-6 ng Hunyo taong 2023 sa Don Antonino Luansing Memorial Plaza. Ang ilan sa mga naunang barangay ay ang  Barangay Poblacion A, Población B, Poblacion C, Poblacion D, at Poblacion E na binubuo ng 271 senior citizen.

Bawat Social Local Pensionnaire ay nakatanggap ng tig-isang libong piso, at inaasahan  na muli silang makakatanggap bago matapos ang taon.

Ang nasabing programa ay ipagpapatuloy hanggang mabigyan ang lahat ng mga senior citizen sa buong 48 barangay na meron ang bayan ng Rosario.