Si Kuya Leovy Morpe ay may pangarap hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi pati na rin sa kaniyang simpleng pamilya. Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral habang isang working student. Naging isang Civil Engineer at nakapagtrabaho siya bilang isang Field Engineer , nakapagpundar at nakapagpatayo ng isang maliit na negosyo. Napalago niya ito at naging isang malaking construction company. Sa kaniyang pagpupursige , ang kaniyang buhay ay naging maige. At ito ang naging daan upang makatulong siya sa kaniyang kapwa sa pamamagitan ng kaniyang network sa negosyo, nakapagpatambak siya ng mga kalsada upang maging maayos ang madadaanan. Dahil sa kaniyang husay sa pakikisalamuha sa mga ahensya ng gobyerno, nakakuha siya ng pondo para makapagpagawa ng konkretong kalsada.
Ang kaniyang kahusayan sa pakikipagnegosasyon ang nakapagbigay ng kabuhayan sa mamamayan.At sa panahon ng pandemya, mula sa sariling pondo, ay nakapagbigay siya ng ayuda lalo na sa sektor ng kababaihan na nahihirapan dahil sa kawalan o limitadong kita dahil sa lockdown. Patuloy pa rin na nangangarap si Kuya Leovy. Katulad ng pangarap ng mga taga-Rosario, pangarap niya ang pag-unlad ng bayan, may maayos na infrastructure, mahusay na social services, ligtas at mapayapa, at maging kaaya-ayang lugar para sa negosyo at tirahan. Handa at hinog na si Kuya Leovy Morpe. Kanyang napatunayan ang kanyang kakayahan sa pamamalakad, kapwa ng pribadong negosyo at maging sa serbisyo publiko. Kanyang napatunayan na alam niya ang nararamdaman at pangangailangan ng mamamayan at ito ay kanyang natugunan at patuloy na tutugunan. Ito ang ating kailangan sa Bayan ng Rosario – ang pamamahalang may kakayahan at karanasan, ang serbisyong may pananaw at pagpapakumbaba. Ang kailangan ng Rosario ay pamamalakad na nagpupursige upang ang ating buhay ay maging maige.
EDUKASYON
College, 1987
B.S. Civil Engineering
MANUEL L. QUEZON UNIVERSITY
High School, 1983
ARELLANO UNIVERSITY
Elementary, 1979
PLARIDEL ELEMENTARY SCHOOL
KARANASAN
Vice Mayor, 2016-2019, 2019-2022
ROSARIO, BATANGAS
Councilor, 2011-2013
ROSARIO, BATANGAS
FOUNDER
IKM BATCHING PLANT CORPORATION
IKM BUILDERS AND CONSTRUCTION SUPPLY
CORPORATION
Mayor's Accomplishments
Nakahingi ng pondo para sa infrastructure project (concreting of roads) sa iba’t ibang barangay sa Rosario mula sa pondo nina Congresswoman Lianda Bolilia, Senator Ralph Recto, Senator Riza Hontiveros, Senator Tito Sotto, Senator Richard Gordon at 1-Care Party List
Lumilibot ang Serbis Pa More Disinfection Team sa mga tahanan, paaralan at barangay upang magsagawa ng disinfection para masiguro na malinis ang kapaligiran laban sa Covid-19
Pamamahagi ng panambak upang maisaayos ang mga kalsada sa mga barangay. Libre rin nakahihiram ng backhoe at grader sa pagsasa-ayos ng kalsada.
Bilang Chairman ng Committee on Education, binibigyan ng halaga ni Kuya Leovy Morpe ang ginagampan ng School Governing Council sa pagsusulong ng edukasyon ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Layunin nito na magbigay ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng pagbibigay proteksyon sa kapaligiran at pagpapaunlad sa industriya ng kawayan. Ang training ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa Philippine Bamboo Foundation, Inc.
Isang health and wellness program para sa kababaihan kasama ang WE RISE, ang pinakamalaki at pinaka-aktbibong organisasyon ng kababaihan sa Rosario, Batangas. Isinagawa sa panahon ng pandemya upang maturuan ang kababaihan ukol sa kalusugan at pangangalaga sa sarili at pamilya; at upang mabigyan sila ng konting kasiyahan.
Inilunsad ang pinakamalaking Career Guidance Orientation noong Setyembre 2019 sa Laurel Park, Poblacion C, Rosario, Batangas na dinaluhan ng 1500 na estudyante sa ika-sampung baitang mula sa 13 national high schools ng bayan. Sampung mga pangunahing tagapagsalita mula sa iba’t ibang propesyon ang nagbigay ng kanilang pag-ganyak sa tatahakin na kurso ng mga estudyante.
Isinagawa ang kauna-unahang Education Summit sa 44 na public elementary schools upang makapagbuo ng plano ukol sa pagpapataas ng antas ng edukasyon ng mag-aaral sa Bayan ng Rosario. Kaagapay sa Summit ang mga guro, mga magulang, barangay officials at functionaries, volunteers, religious groups at NGOs.
Alinsunod sa Kautusan Blg. 42 serye ng 2018, na ini-akda ni Kuya Leovy Morpe, isinasagawa ang pagbibigay ng pagkilala at insentibo sa mga residente ng Rosario, Batangas na nakapasa o nanguna sa mga Pambansang Propesyunal na Pagsusulit. Ang mga kwalipikadong indibidwal ay awtomatikong makatatanggap ng sertipiko/katibayan ng pagkilala at halagang Php2000 o higit pa.
Pagkakaloob ng sampung (10) biik sa mga kwalipikadong kababaihan upang alagaan hanggang sa ito ay nasa husto ng timbang o gulang. Nabibigyan din ng panustos para sa pagpapalaki ng mga paiwing biik ang mga nag-aalaga. Tungkulin naman ng nag-aalaga na masiguradong ligtas, malinis at maayos ang mga ipinagkatiwalang biik sa kanya hanggang sa ito ay maging handa na upang ipagbili.
Sa pakikipag-ugnayan sa Planet Water Foundation, nakapagsagawa ng mga programang naglalayong makatulong sa ating bayan partikular sa sector ng Edukasyon para sa mga batang Rosarian.
Sa tulong ng Planet Water Foundation, nakapagpatayo ng mga Aqua Tower with filtration sa ilang mga pampublikong paaralan sa Rosario, Batangas, tulad ng Tubahan ES, Calantas ES, Matamis ES, Mabunga ES at Antipolo ES. Ang Aqua tower with filtration ay nagkakahalaga ng 800k na libreng pinopondohan ng Planet Water. Samantala, ang platform at tangke naman ay nagmula sa pondo ng Office of the Vice Mayor. Ang tower na ito ay malaki ang naitutulong sa mga mag-aaral at guro na magkaroon ng malinis at ligtas na tubig inumin sa paaralan.
Nakapagsagawa na din ng Hand Wash Campaign at Community Education Program ang NGO at Office of the Vice Mayor sa 45 public elementary schools ukol sa tamang paghugas ng kamay at proper hygiene.
Sinimulan noong 2016, ang Municipal Mobile Library ay naglalayon na dalhin sa mga paaralan ang saya at halaga ng pagbabasa. Upang maisakatuparan ang programang ito ay naglaan ng pondo ang Sangguniang Bayan para sa isang Hyundai-L300 upang paglagyan ng mga aklat na dadalhin naman ng Mobile Library Team sa bawat paaralan. Ang Municipal Mobile Library ay tumitigil sa bawat paaralan ng dalawa hanggang tatlong araw upang mas higit na ma-enjoy at matutunan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbabsa. Pansamantalang itinigil ang Municipal Mobile library taong 2020 dahil sa bantang dulot ng Covid-19.
Upang ma-engganyo ang mga bata sa pagbabasa, isinagawa rin Summer Reading Camp para sa mag-aaral sa elementarya. Umabot sa 604 ang kalahok, at 146 dito ay kinabibilangan ng mga 4Ps. Layunin nitong patuloy na mahikayat ang mga bata sa pagbabasa at magkaroon ng komunidad na tumutulong na itaas ang antas ng edukasyon ng mga mag-aaral.
SUSTENABLENG KAUNLARAN
Sa pagsulong sa pang-ekomiyang kaunlaran, hindi pababayaan ang kalikasan at sisiguruhin na mapag-iingatan ang likas na yaman ng bayan. Ang pagbalanse ng economic development at environment protection ay magsisiguro na kasabay ng kaunlaran ang pananantili na maganda at malinis ang Bayan ng Rosario. Magbuo ng tunay na Comprehensive Development Plan (CDP) at Comprehensive Land use Plan (CLUP) upang mai-mapa ang development framework ng Rosario habang pinangangalagaan ang kalikasan.
PANGANGALAGA SA KALIKASAN
Ang tubig, hangin at lupa ang mga likas yaman na nagbibigay ng buhay sa mamamayan. Ang pagsisiguro na patuloy na magiging malinis ang hangin at tubig (clean air and clean water) ay pagsisiguro na ligtas ang kalusugan ng mamamayan. Gayundin, ang maayos at mahusay na pamamahala ng basura (waste management) ay magpapanatili ng malinis na tubig at hangin, at kalusugan ng mamamayan. Palalakasin ang implementasyon sa lokal ng Clean Air Act, Clean Water Act at Solid Waste Management Act sa pamamagitan ng paggawa ng Local Environment Code.
KALUSUGAN PARA LAHAT
Ang malusog na mamamayan ang magbibigay ng pagkakataon sa kanila na lumahok sa pamamahala. Ang malusog na mamamayan ay magsisiguro na ang bawat pamilya ay patuloy na makapagtrabaho at ang mga bata ay makakapag-aral. Bibigyan natin ng tuon ang masusing implementasyon ng Universal Health Care Act na may diin sa preventive medicine at health education.
KALUSUGAN PARA LAHAT
Sa pagsulong sa pang-ekomiyang kaunlaran, hindi pababayaan ang kalikasan at sisiguruhin na mapag-iingatan ang likas na yaman ng bayan. Ang pagbalanse ng economic development at environment protection ay magsisiguro na kasabay ng kaunlaran ang pananantili na maganda at malinis ang Bayan ng Rosario. Magbuo ng tunay na Comprehensive Development Plan (CDP) at Comprehensive Land use Plan (CLUP) upang mai-mapa ang development framework ng Rosario habang pinangangalagaan ang kalikasan.
PROTEKSYON NG KABABAIHAN
Malaki ang bahagi na ginagampanan ng kababaihan upang umunlad ang bayan at tumibay ang pamilya. Sa ganito, bibigyan natin ng pagkakataon na magkaroon ng kontribusyon ang sektor ng kababaihan sa pamamagitan ng tamang representasyon sa Council of Women ng bayan. Sisiguruhin natin ang gender equality at susugpuin ang violence against women and children
DE-KALIDAD NA EDUKASYON
Kailangan mabigyan ng kalinga ang bulnerableng sektor tulad ng nakatatanda at may mga kapansanan. Kailangan maibigay sa kanila ang mga benepisyo na itinatakda sa batas tulad ng Senior Citizens Act at PWD Act. Upang magawa ito, magbubuo tayo ng tanggapan na magsasagawa ng mga programa para sa bulnerableng sektor
TRABAHO AT KABUHAYAN
Gawing episyente ang pagnenegosyo sa Rosario upang maka-akit ng mga investors at magbukas ng mga trabaho para sa mamamayan. Gayundin, bigyan ng pagkakataon ang mga maliliit na negosyante upang maging competitive. Isusulong natin ang pagbubuo ng Investment Code na magbibigay ng insentibo sa namumuhunan (investor) at nagbibigay ng kasiguruhan na ang kanilang negosyo ay aalagaan ang kalikasan.
MAUNLAD NA AGRIKULTURA
Batay sa ating karanasan sa pandemya ang food security, o ang kasiguruhan na may pagkain ang ating mamamayan ay dapat bigyan ng pansin. At dahil isang agrikultural na bayan ang Rosario, nararapat lamang na patibayin at payabungin natin ang sektor ng agrikultura. Palalakasin natin ang iba’t ibang agricultural councils ng bayan upang matulungan ang mga magsasaka, magtatanim at nagtitinda ng mga produktong agrikultural upang masiguro ang suplay ng pagkain.
KALIGTASAN MULA SA KRIMINALIDAD
Inaasam natin ang isang tahimik at mapayapang komunidad na ligtas sa kriminalidad. Ating palalakasin ang community policing upang maramdaman ng mamamayan na sila ay ligtas sa loob at labas ng kanilang tahanan sa ating bayan.
MABILIS NA TUGON SA KALAMIDAD
Sunog, bagyo, lindol, pagputok ng bulkan. Anumang kalamidad at sakuna, dapat ay handa ang ating bayan. Siguruhin na disaster-resilient ang Rosario; may sapat na imprastruktura (tulad ng evacuation center), kagamitan (equipment), at pagsasanay (training) upang mabilis na makatugon sa mga aksidente at kalamidad