Sinukmani Festival: Pista ng Kasaysayan, Kultura, at Pagkakaisa
Hunyo 9, 2023
SIMBAHAN BEVERLYN
Kuhang larawan ng Brgy. Balibago na nagwagi sa Pinakamalikhaing Sinukmani Contest kasama ang butihing Mayor Leovy Morpe at may bahay na si
Ms. Elizabeth Morpe.
Litratong kuha ni Ryan Ayong
Sa pagtatapos ng mahabang pagdiriwang ng 336th Founding Anniversary ng Rosario tampok nga sa huling araw ang pinaka-highlight ng selebrasyon ang kilala at dinarayo sa bayan ng Rosario sa kanilang sikat na sikat na Festival na ipinagdiriwang tuwing ika-9 ng Hunyo, ang Sinukmani Festival.
Ang sinukmani nga ay isang pagdiriwang bilang paggunita sa pagkakatatag ng munisipalidad ng Rosario sumisimbolo rin ito bilang pasasalamat ng mga mamamayan sa masaganang ani at pati na rin ang pagkakaisa ng mga taga Rosario.
Sa tuwing idinaraos ang Sinukmani Festival hindi nga mawawala rito ang pinakasikat na patimpalak na ginaganap taon-taon ang “Pinakamalikhaing Sinukmani Contest.” Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paglalatag ng mga makukulay, madedekorasyon at malilinamnam na sinukmani sa kahabaan ng Gualberto Avenue, kung saan ito ay nilalahukan ng 48 barangay ng munisipalidad, iba’t-ibang establisyemento, businesses, LGU’s at maging mga NGO’s.
Kuhang larawan ni Arlyn Cruzem na nagwagi sa Sinukmani Cooking Contest
Litratong kuha ni Ryan Ayong
Sa taon ngang ito ang bilang ng sumali sa “Pinakamalikhaing Sinukmani Contest” ay umabot sa isang daan at tatlumpu’t limang kalahok. At matapos mailatag at ihain ang napakarami at katakam-takam na sinukmani, ito ay masusing hinatulan ng mga hurado. Kaya’t sa huli ang obra ng Brgy. Balibago ang nakapukaw sa atensyon ng hurado at hinirang na kampeon na may pinakamalaking sinukmani.Isa pa sa naging kapanapanabik na programa na ginanap sa taong ito ay ang Sinukmani Cook Fest. Sa buong kasaysayan ito ang unang pagkakataon na magkaroon ng ganitong patimpalak sa anibersaryo ng Rosario at ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Leovy Morpe at sa inisyatibo ng kanyang may bahay, Ms. Elizabeth Morpe. Naging layunin ng patimpalak ay ang maibida hindi lamang ang sikat at pinagmamalaking produkto ng Rosario na sinukmani kundi pati na rin ang mga mukha na naging bahagi na ng kasaysayan ng bayan, nagpayaman sa kultura at lalong nagtaguyod sa sinukmani ng Rosario ang mga huwaran at masisipag na magsi sinukmani. At sa nasabi ngang patimpalak ay nagkaroon ito ng sampung kalahok na galing sa iba’t ibang barangay na batikan na at hinubog na ng panahon sa pagluluto ng sinukmani. Sa huli si Ms. Arlyn Cruzem ng barangay San Roque ang nakahuli sa panlasa ng mga hurado at tinaguriang kauna-unahang kampeon sa Sinukmani Cook Fest ng Rosario.
Mga Larawang kuha ni Ryan Ayong at RA Abrenilla